Labinlimang araw na ang nakalipas.

Masakit pa rin.

Kakagising pa lang sa umaga, masakit na.

Hindi ako relihiyoso – pero nagdadasal pa rin ako. Wala namang mawawala eh. Tsaka hindi naman ako umaasa lahat sa dasal lang (99% effort, 1% dasal).

Patuloy pa rin ang buhay ko – busy dahil Nutrition Month ngayong Hulyo. Hindi ko naman hinahayaang uminog ang mundo ko sa kanya.

‘Yun lang, masakit pa rin.

Masakit na hindi man lang niya naalala na kaibigan niya ako simula’t sapul, bago nahulog sa kanya.

Sa mga nangyari eh parang hindi niya talaga ako itinuring kaibigan dahil naging madali lang sa kanya na i-dispense ako (pak, ganern na lang). Ako lang ‘yung tanga dito na nag-trust sa kanya noong sinabi niya na hindi niya ako gagaguhin.

Halos gabi-gabi akong umiiyak dahil sa katangahan ko.

Galit ako sa kanya, galit rin ako sa sarili ko.

Jusko, ma-survive ko lang ito.

Gusto ko pang maniwala sa pag-ibig. Pero nakakapagod lang masaktan. Kapag pamilya mo ang unang nakasakit sa’yo, hindi mo sila matakbuhan sa mga ganito. Hindi ko masabi sa kanila, lalo na iba siya – malayo sa tradisyunal at konserbatibong pananaw sa probinsya (kahit laking probinsya naman siya gaya ko).

 

 

Leave a comment