Nag-dinner kami ng mga officemates ko kagabi sa KFC. Noong malapit na kaming umuwi, may dalawang dumating sa kabilang table. Isang babae, isang lalake. Pagkatingin ko sa lalake, para akong inatake sa puso. Kamukha niya tangina. Hindi ko lang siya natitigan ng matagal kaya di ako sigurado kung siya ba o hindi. May tattoo kasi siya sa magkabilang forearm.

Hindi ako mapakali pero nakatulog ako ng maaga kagabi. Nagising ako ng mga alas-kwatro ng madaling araw. Tae na naman ang pakiramdam ko, kailangan kong umiyak para malabas.

Mga alas-singko nakatulog ulit ako. Nanaginip. Napanaginipan ko siya. Nasa Manila kami (na medyo weird), naglalakad ako sa Ma. Orosa papuntang UN Ave. Nasabit yung bead bracelet ko sa sleeve ng isang lalake. Sa lahat ng kamalasan sa mundo, kami ang pinagtagpo. Hanggang sa panaginip ko, iyak ako ng iyak. Nararamdaman ko na ring umuungol ako. Kailangan ko nang magising.

Tapos ngayong umaga, noong naghahanda na ako para umalis papuntang office, na-realize ko na nawawala yung bead bracelet ko. Pampaalala sa aking pinagmulan (ginawa siya ng mga T’boli, isa sa pinakamalaking grupo ng indigenous people sa aming probinsya) at pampaswerte na rin in a way, kasi maraming mga magagandang bagay na dumating sa akin ngayong taon.

13510856_10153945164533800_3633761182263740413_n

 

Senyales na ba ‘yung sa panaginip ko?

Pero sana hindi nahulog sa drain ng CR kagabi. 😥 Lord, sana mahanap ko pa, maawa ka.

 

Advertisements

4 thoughts on “

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s