I am writing this post inside a hospital, while waiting for my turn to be called. Almost four months have passed since I last saw my orthopedic doctor,  and I wasn’t able to consistently do the prescribed exercises for my legs. My left knee hurts more than my right,  and almost everyday I have to deal with the mild to moderate pain. I just started swimming last week,  but to be able to recover quickly,  I need to swim 2-3 times a week,  or find another physical activity that would complement it. I am nervous to know the condition of my knees now – I hope it has improved. 

On the other side, I woke up this morning with alarming news. At almost the same time I slept last night, an explosion at the night market in Roxas Avenue, Davao City happened. Around 12 people died, including a 12-year old. More than 60 people were injured by the blast. Early morning, President Duterte proclaimed the whole nation under the state of lawlessness. The AFP has declared full alert in Mindanao and heightened alert in the rest of the country. Just few hours earlier, Abu Sayyaf claimed the incident as their doing. 

In 2003, I was able to experience a similar incident. We were doing post-competition celebration with our coaches for the division math contest at the food court of the local mall when we suddenly heard an explosion and breaking of glass. In a split second, chaos ensued – people were screaming and running towards the stairs and exits. Too shocked, we stayed in our seats – one of the Math teachers told us to stay calm and not to go with the stampede. 

For the first time in my life,  I felt very frightened and helpless. My teeth chattered and my knees shook as we made our way down and out of the mall. Our parents were informed of the incident – and I went home, still shaking but able to talk. I think ever since then,  I became much more sensitive to loud noises and touch. 

What happened in Davao City last night reminded me again of the traumatic experience I had. Even as I work in a medical field, death and dying still has that great impact on me. 

Terrorism has no place in this country. Innocent civilians die,  get hurt and feel traumatized for the rest of their life. To be free of fear and to live in peace shouldn’t just be people’s dreams. 

‘Yung totoo, long weekend pero hindi ko naman masyadong na-enjoy. Hindi ako nakalayas dito sa Metro Manila.

Partly guilty ako na hindi ko natapos ‘yung mga kailangan kong tapusin sa trabaho. Pero kasi naman, long weekend. Gusto ko naman ng pahinga. Ngayon, hindi ko na alam kung paano ko matatapos ‘yung marami pang kailangang ayusin ngayong linggo at sa susunod (editing ng training modules at training design, pagsusulat ng bagong performance objectives, monthly report, schedule at budget for September, at training needs assessment). Distracted din ako dahil sa mga nararamdaman ko.

Baka hindi na kayanin ng isip, puso, at katawan ko.

Lord, bahala na kayo.

 

Unexpected Twist

Dahil sa mga katopakan ko at ng mga tao sa paligid ko nitong mga nakaraang linggo, pinlano kong sumama sa isang grupo papunta ng Bukal Falls (bukal na, falls pa ‘di ba?) sa Laguna. Ngayong alas-2 ng madaling araw sana kami aalis, pero may mga nag-cancel nitong gabi lang, hanggang sa ang sigurado na lang ay ako at ang organizer.

Ang catch – ang organizer ng lakad (itago natin sa pangalang J) ay kaibigan ni R. Pero ‘di niya alam ang kasaysayan namin kaya okay lang.

Nag-propose ako ng alternative. Push ang lakad pero tuturuan niya ako ng Basic Mountaineering Course (BMC). Hindi kaya. Ang alternative na binigay ay BMC sa ibang iskedyul, at di lang basta BMC orientation, kundi mismong BMC 1 and 2, kasama ang basic backpacking. 

Dahil natanong na rin niya kung saan at anong trabaho ko, ayun na. Hindi ko na lang minention ‘yung pangalan ng org namin dahil matsutsugi talaga ako kay R. Nabanggit sa akin ni J na sa mga akyat nila nakaka-engkwentro sila ng mga katutubo na nangangailangan talaga ng tulong. Sa mga nakaraang outreach nila, may mga school supplies at feeding silang nagawa. Wala pa raw nakakagawa ng medical mission sa kanila dahil wala silang nakasamang doktor. Naka-jackpot si koya.

Nadale ni J ang puso ko para sa paglilingkod. Although hindi talaga ako pabor sa mga outreach at medical mission dahil mga one-shot activities lang ito, tutal close na kami lol, makakatulong ako sa pagpaplano ng mabuti para hindi sayang ang pagpunta. May maiiwan na tatagal sa mga pamayanan na ito. Kasi kapag school supplies lang at mga gamot (kailangan naman siya lalo na sa mga sakit na kumplikado), mauubos din ito, hindi magtatagal. Kailangang maghanap ng ibang paraan na akma sa komunidad na tutulungan, at kung pwede, hindi kailangang malayo ang pagkukunan – nandun na mismo sa kanila.

Kaya kahit hindi kami natuloy ngayon, okay lang. Mayroon na akong bagay na ma-lolook forward to sa mga susunod na buwanSa ngayon, kailangan kong magpahinga, makapag-recover. Alam kong sa mga kaibigan at mga kakilala ko pa lang, marami na gustong makatulong para dito. 🙂 Ang iba sa kanila galing sa magkakaibang-disiplina kaya sa tingin ko may patutunguhan ito.

At masaya naman ako na tama ang hinala ko na mabuting tao si J. Matagal ko na nararamdaman na okay siya. Minsan kasi nararamdaman mo sa tao kung may bahid ba ng kabutihan o kasamaan. Well, kung magkita man kami ni R balang araw, wala siyang magagawa kapag paglilingkod sa tao na ang pag-uusapan. Alam kong alam niya na ito ang tawag ko ngayon. Alam niyang nasa puso ko talaga ito, at masaya ako na ginagawa ito.

Stress Drilon

Napapadalas na naman ang pagsusuka ko sa umaga. Ilang araw at gabi ko na bang nararamdaman ang pulso at tibok ng puso ko na mabilis. Nahihirapan akong huminga, parang iniipit ang dibdib ko.

Grabe ang stress ko ngayon. Nahihirapan akong kumalma.

Hindi raw ako makausap ng matino ng mga ka-close kong officemates (na nasa health and nutrition). Iba raw ang aura ko.

Natataasan ko ng boses ang mga tao. Ang dali kong maubusan ng pasensya.

Lord, gusto ko lang po ng pahinga.

Pahinga sa utak, pahinga sa puso at damdamin. Hindi ko po alam kung hanggang saan pa ang kaya ko.

Minsan gusto ko na sumuko. Umiyak sa sobrang pagod. Sa sobrang lungkot.

 

Pluviophile ako. Pero kapag nandito ako sa Metro Manila eh kinakabahan ako tuwing tag-ulan. Simula noong Ondoy, 7 taon na ang nakakaraan, medyo natatakot na akong matulog na lang sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Para sa mga hindi pa kumbinsido na totoo ang climate change, well, ‘di ako magbibigay ng data dito. Magkukwento lang ako ng karanasan ko.

Galing ako sa isang probinsya na hindi dinadaanan ng bagyo – until 2011, nang napadaan si Sendong sa South Cotabato at nagka-signal number 1. Tanda ko pa, signal number 2 sa (North) Cotabato.

Pero kahit noon pa, kapag tag-ulan, binabaha talaga kami. Naaalala ko noon, pupunta kami sa bahay ng auntie at uncle ko na kapitbahay lang namin, dala yung mga unan, kumot, at banig para makitulog. Umabot na kasi ‘yung tubig sa loob ng bahay namin. Sa kanila, hindi pa.

Mababa ang lugar namin. Wala pang maayos na drainage at kanal. Kaya ramdam ko talaga na parang pinabayaan at walang pakialam ang mga opisyal ng lokal na gobyerno sa amin (Ukinas!)

Halos kalbo na rin ang mga bundok (sana naka-recover na sa halos isang taong El Nino). Kakaputol ng puno para gawing uling. Noong 1990s, talamak ang illegal logging. Sa ibang parte ng probinsya, ganun pa rin, isama mo pa ang mga minahan. Kahit sabihin mo pang small-scale, (banned sa amin ang large scale)  sa tingin ko hindi pa rin nakakatulong ‘yung buong industriya ng pagmimina sa mga pamayanan, lalo na sa kalikasan.

Hindi rin ako tiwala sa National Greening Program ng DENR. Karamihan kasi sa mga species ng puno na tinatanim ay hindi native indigenous. Sa punto ng biodiversity, nakakasama ang pagtanim ng mga punong hindi akma sa lugar at klima. Nababawasan at namamatay ang ibang mga puno, halaman, at hayop na nakadepende sa mga native at indigenous tree species natin.

Isama mo pa ang laganap na export crop plantations sa probinsya. Mahigit 200,000 ektarya ng lupa ang tinatamnan ng pinya, papaya, at saging na pinapadala sa ibang bansa. Kung pamilyar kayo sa mga produkto ng Dole – pakiusap check niyo ‘yung label – sa South Cotabato, sa amin galing.

Problema rin ang dala nito. Monocropping ang ginagawa. Ibig sabihin, sa halos isang taon, isang uri lang ng produkto ang tinatanim. Pag ganun, nauubos ang nutrients ng lupa. Nagiging acidic. At gumagamit sila ng pesticide na spini-ispray sa pamamagitan ng mga malalaking truck o sa pamamagitan ng maliit na jetplane. Pag naka-jackpot ka, kawawa ang balat, mata, at baga mo. Nakokontamina rin ng mga kemikal ang lupa at tubig.

‘Yung mga trabahador sa mga plantasyon, madalas kontraktwal rin yan. Seasonal. Kapag panahon ng pagtatanim at pag-aani saka lang sila may trabaho.

Kami nga ang food basket ng Pilipinas. Pero tignan ninyo naman ang sakripisyo ng mga taga-Mindanao.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong may mga taga-Maynila na pumupunta sa mga probinsya, lalo na ngayon sa panahon ng social media, ay ang pagdagsa dahil sa turismo. Oo, nagkakaroon ng mga trabaho at pagkakakitaan ang mga tao sa lugar, pero minsan ‘yung mga pumupunta kasi, walang respeto sa komunidad, sa kultura, o sa kalikasan.

Kung anuman ang nararanasan natin ngayon, kasalanan nating lahat. Kasalanan ng tao. (at kasalanan rin ng mga naunang industrialized nations at mga nanakop sa atin). Konsumo tayo ng konsumo, hindi pinapalitan. Tapon dito, tapon doon. Tangkilik tayo ng tangkilik ng international brands namamatay na ang mga maliliit nating mga industriya. Hindi tayo nakakatulong sa kapwa nating Pilipino na magkaroon ng trabaho at mapakain ang mga pamilya nila. Adik kasi sa brand. Adik sa social media. Marami sa atin gusto lang magyabang.

Minsan nawawalan na ako ng pag-asa sa mga kababayan natin. Reklamo ng reklamo, parte pala ng problema. Kaya sana man lang, ituro ninyo ng maaga pa lang sa mga bata o anak ninyo na pahalagahan ang kalikasan at bayan natin. ‘Wag ninyong iasa na lang lahat sa sistema ng edukasyon na may mga pagkukulang rin. Kung magkakaroon man ako ng anak, sana maabutan niya pa ‘yung mga naabutan kong ganda at yaman ng Pinas.

 

Toxic

Pagoda nitong mga nakaraang araw. Kapag hindi naman ako emotional wreck, saksakan naman ng daming gawain sa office. Bago ko nakita si Red sa UP Diliman noong Linggo, ginagawa ko ang project proposal namin para sa 2017 noong Sabado. Puyat ako noon, ala-una na ng umaga ako natulog. Kaya grabe ang epekto niya sa akin, para akong nakalaklak ng 10 tasa ng kape sa isang araw.

Noong nakaraang Lunes lang sinabi sa amin na ang deadline ng proposal ay August 19. Tapos pagka-Miyerkules, sinabi sa amin August 9. TANGINA. Pagka-Biyernes, nag-meeting kami kasama ang technical advisor namin galing sa National Office. Brainstorming. Pero actually, matagal na naming naiisip. Nabalitaan na rin namin na magbabago na ang sistema – dati kasi top-down nanggagaling yung proposal kaya ang gulo ng implementation namin. Yung mga nasa taas na bihirang-bihira naman pumunta sa area (Caloocan ang project area namin). Buti naman okay lang kay Dok na sa August 10 na lang. Pero on one condition: i-meet niyo muna si Doktora (Director for Operations ng City Health Department) para i-consult yung proposal bago ipasa.

Noong hapon hanggang gabi ng Sabado (naglaba ako noong umaga), at hapon hanggang gabi ng Linggo ko (nagdesisyon na muna akong ipahinga ang utak at puso kong nawerla), tinapos ko ‘yung proposal. Di naman ako mapapakain ni Red sa susunod na tatlong taon – at bukod sa akin, ang mapapakain noong proposal na ‘yun ay yung pamilya ng tatlo kong ka-teammate. ‘Yung dalawa, may mga anak na maliliit pa. #parasaekonomiya

Kahapon may meeting na naman kami sa Caloocan, at dahil busy din si Doktora, hindi niya rin nagawa ang ipinangako niyang babasahin niya yung draft proposal. (Pinakwento niya lang sa akin ‘yung proposal noong nagkita kami the other day). Kahapon lang din namin natapos ang draft kasi pina-review pa namin sa Monitoring and Evaluation Coordinator para ma-check kung naka-align ba ‘yung laman.

Hindi lang ‘yan. May training modules pa akong nire-review at ini-edit, na hindi ko pa tapos. At kailangan ko na siya matapos kasi isasama na siya sa ibang modules ng ibang project para magkaroon kami ng isang comprehensive module para sa Parent Education Sessions na ginagawa ng halos bawat proyekto. Kailangan ko siyang gawin kasi ‘yung kabilang project may timeline na sinusundan (nauna lang sila sa amin) pero nagkakagulo pa ‘yung project officer at project manager. Kanina lang sinabihan kami na matutuloy ulit ‘yung pre-test ng modules next week pagkatapos kaming sabihan noong nakaraang araw na mamo-move sa 3rd week ng August. Saya nila ‘no?

Dahil dito may mga hindi pa ako nagagawa para sa project namin (training needs assessmentsocioeconomic profiling, resource mapping, M&E plan, revision of M&E forms and tools). ‘Yung mabigat ay assessment at profiling/mapping. Kailangan ko kasi talagang pumunta sa mga partner namin na health centers, barangay, at City Health Department. Kung hindi lang ganoon ka-teknikal ang pagkakasulat at lenggwahe noong modules malamang ay mas maaga sana ako natapos.

Noong Lunes naman may klase na kami sa UP Diliman (after office hours, 5:30 PM-8:30 PM). Martes tinangka ko pang humabol sa klase pagkatapos ng team meeting namin (na pangalawa kong meeting sa araw na yan, tapos hinila pa ako para sumama sa pag-interview ng isang consultant). Mahirap sumakay kasi malakas ang ulan. Nakarating rin ako pero mangiyak-ngiyak ako pagkakita ko ng bakanteng classroom. Late nag-reply ‘yung dalawang kaklase/kaibigan ko na nag-early dismissal pala sila.

Interesting ‘yung Monday subjectRebuilding displaced communities – ito yung mga komunidad na napaalis o napalikas dahil sa disaster; development aggression; o conflict at violence. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili nito. Sigurado akong magagamit ko ito. Madalas hindi makita ng mga tao na isang mahalagang component ang health sa buhay nating lahat. Napapansin lang kasi natin kapag nagkakasakit o namamatay.

Naabutan ako ng malakas na ulan sa college noong Martes. Basang-basa sa ulan ang drama ni ateng. Kanina, buong araw kaming nag-orientation at crash course sa dalawa naming community mobilizers. Ngayon, haggardo na ang lola mo. Pero di pa rin tumitigil ang mundo ko. Para sa bayan, para sa pamilya, para sa sarili – ginagawa ko ito lahat. Hindi sumusuko kahit pagod na. Kahit gustung-gusto ko na sumuko. Kahit mangiyak-ngiyak na ako sa hinagpis sa mga nangyari sa amin ni Red. Hindi pwedeng sumuko.

Kamang kung kamang ‘day. Padayon lang.