Pluviophile ako. Pero kapag nandito ako sa Metro Manila eh kinakabahan ako tuwing tag-ulan. Simula noong Ondoy, 7 taon na ang nakakaraan, medyo natatakot na akong matulog na lang sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Para sa mga hindi pa kumbinsido na totoo ang climate change, well, ‘di ako magbibigay ng data dito. Magkukwento lang ako ng karanasan ko.

Galing ako sa isang probinsya na hindi dinadaanan ng bagyo – until 2011, nang napadaan si Sendong sa South Cotabato at nagka-signal number 1. Tanda ko pa, signal number 2 sa (North) Cotabato.

Pero kahit noon pa, kapag tag-ulan, binabaha talaga kami. Naaalala ko noon, pupunta kami sa bahay ng auntie at uncle ko na kapitbahay lang namin, dala yung mga unan, kumot, at banig para makitulog. Umabot na kasi ‘yung tubig sa loob ng bahay namin. Sa kanila, hindi pa.

Mababa ang lugar namin. Wala pang maayos na drainage at kanal. Kaya ramdam ko talaga na parang pinabayaan at walang pakialam ang mga opisyal ng lokal na gobyerno sa amin (Ukinas!)

Halos kalbo na rin ang mga bundok (sana naka-recover na sa halos isang taong El Nino). Kakaputol ng puno para gawing uling. Noong 1990s, talamak ang illegal logging. Sa ibang parte ng probinsya, ganun pa rin, isama mo pa ang mga minahan. Kahit sabihin mo pang small-scale, (banned sa amin ang large scale)  sa tingin ko hindi pa rin nakakatulong ‘yung buong industriya ng pagmimina sa mga pamayanan, lalo na sa kalikasan.

Hindi rin ako tiwala sa National Greening Program ng DENR. Karamihan kasi sa mga species ng puno na tinatanim ay hindi native indigenous. Sa punto ng biodiversity, nakakasama ang pagtanim ng mga punong hindi akma sa lugar at klima. Nababawasan at namamatay ang ibang mga puno, halaman, at hayop na nakadepende sa mga native at indigenous tree species natin.

Isama mo pa ang laganap na export crop plantations sa probinsya. Mahigit 200,000 ektarya ng lupa ang tinatamnan ng pinya, papaya, at saging na pinapadala sa ibang bansa. Kung pamilyar kayo sa mga produkto ng Dole – pakiusap check niyo ‘yung label – sa South Cotabato, sa amin galing.

Problema rin ang dala nito. Monocropping ang ginagawa. Ibig sabihin, sa halos isang taon, isang uri lang ng produkto ang tinatanim. Pag ganun, nauubos ang nutrients ng lupa. Nagiging acidic. At gumagamit sila ng pesticide na spini-ispray sa pamamagitan ng mga malalaking truck o sa pamamagitan ng maliit na jetplane. Pag naka-jackpot ka, kawawa ang balat, mata, at baga mo. Nakokontamina rin ng mga kemikal ang lupa at tubig.

‘Yung mga trabahador sa mga plantasyon, madalas kontraktwal rin yan. Seasonal. Kapag panahon ng pagtatanim at pag-aani saka lang sila may trabaho.

Kami nga ang food basket ng Pilipinas. Pero tignan ninyo naman ang sakripisyo ng mga taga-Mindanao.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong may mga taga-Maynila na pumupunta sa mga probinsya, lalo na ngayon sa panahon ng social media, ay ang pagdagsa dahil sa turismo. Oo, nagkakaroon ng mga trabaho at pagkakakitaan ang mga tao sa lugar, pero minsan ‘yung mga pumupunta kasi, walang respeto sa komunidad, sa kultura, o sa kalikasan.

Kung anuman ang nararanasan natin ngayon, kasalanan nating lahat. Kasalanan ng tao. (at kasalanan rin ng mga naunang industrialized nations at mga nanakop sa atin). Konsumo tayo ng konsumo, hindi pinapalitan. Tapon dito, tapon doon. Tangkilik tayo ng tangkilik ng international brands namamatay na ang mga maliliit nating mga industriya. Hindi tayo nakakatulong sa kapwa nating Pilipino na magkaroon ng trabaho at mapakain ang mga pamilya nila. Adik kasi sa brand. Adik sa social media. Marami sa atin gusto lang magyabang.

Minsan nawawalan na ako ng pag-asa sa mga kababayan natin. Reklamo ng reklamo, parte pala ng problema. Kaya sana man lang, ituro ninyo ng maaga pa lang sa mga bata o anak ninyo na pahalagahan ang kalikasan at bayan natin. ‘Wag ninyong iasa na lang lahat sa sistema ng edukasyon na may mga pagkukulang rin. Kung magkakaroon man ako ng anak, sana maabutan niya pa ‘yung mga naabutan kong ganda at yaman ng Pinas.

 

Advertisements

4 thoughts on “

  1. ‘Kalungkot, ‘noh?

    Naalala ko nu’ng unang pagkakataong nagpunta ako sa Sagada, nu’ng panahong hindi pa siya exploited. A year and a half after that, bumalik ako. Madre mia, nalungkot ako sa mga nakita ko.

    Literal na nakakabulabog ‘yung ibang mga turista du’n. Nakalimutan nilang wala sila sa Maynila. Hindi rin nila ginalang ang mga tao at ang mga lugar du’n. Makikita mo talaga ‘yung mga taong MEMA lang. MEMA-post lang. 😦

    1. Sobra 😦 Marami ring instant “mountaineers”. Maraming nag-oorganize ng climbs, hindi man lang naiisip yung dami ng tao na hahawakan baka hindi kayanin ng lugar.

      Minsan po namimiss ko yung buhay dati. Simple lang. Wala pang internet at social media. Mas sincere at genuine pa ang mga tao noon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s