Toxic

Pagoda nitong mga nakaraang araw. Kapag hindi naman ako emotional wreck, saksakan naman ng daming gawain sa office. Bago ko nakita si Red sa UP Diliman noong Linggo, ginagawa ko ang project proposal namin para sa 2017 noong Sabado. Puyat ako noon, ala-una na ng umaga ako natulog. Kaya grabe ang epekto niya sa akin, para akong nakalaklak ng 10 tasa ng kape sa isang araw.

Noong nakaraang Lunes lang sinabi sa amin na ang deadline ng proposal ay August 19. Tapos pagka-Miyerkules, sinabi sa amin August 9. TANGINA. Pagka-Biyernes, nag-meeting kami kasama ang technical advisor namin galing sa National Office. Brainstorming. Pero actually, matagal na naming naiisip. Nabalitaan na rin namin na magbabago na ang sistema – dati kasi top-down nanggagaling yung proposal kaya ang gulo ng implementation namin. Yung mga nasa taas na bihirang-bihira naman pumunta sa area (Caloocan ang project area namin). Buti naman okay lang kay Dok na sa August 10 na lang. Pero on one condition: i-meet niyo muna si Doktora (Director for Operations ng City Health Department) para i-consult yung proposal bago ipasa.

Noong hapon hanggang gabi ng Sabado (naglaba ako noong umaga), at hapon hanggang gabi ng Linggo ko (nagdesisyon na muna akong ipahinga ang utak at puso kong nawerla), tinapos ko ‘yung proposal. Di naman ako mapapakain ni Red sa susunod na tatlong taon – at bukod sa akin, ang mapapakain noong proposal na ‘yun ay yung pamilya ng tatlo kong ka-teammate. ‘Yung dalawa, may mga anak na maliliit pa. #parasaekonomiya

Kahapon may meeting na naman kami sa Caloocan, at dahil busy din si Doktora, hindi niya rin nagawa ang ipinangako niyang babasahin niya yung draft proposal. (Pinakwento niya lang sa akin ‘yung proposal noong nagkita kami the other day). Kahapon lang din namin natapos ang draft kasi pina-review pa namin sa Monitoring and Evaluation Coordinator para ma-check kung naka-align ba ‘yung laman.

Hindi lang ‘yan. May training modules pa akong nire-review at ini-edit, na hindi ko pa tapos. At kailangan ko na siya matapos kasi isasama na siya sa ibang modules ng ibang project para magkaroon kami ng isang comprehensive module para sa Parent Education Sessions na ginagawa ng halos bawat proyekto. Kailangan ko siyang gawin kasi ‘yung kabilang project may timeline na sinusundan (nauna lang sila sa amin) pero nagkakagulo pa ‘yung project officer at project manager. Kanina lang sinabihan kami na matutuloy ulit ‘yung pre-test ng modules next week pagkatapos kaming sabihan noong nakaraang araw na mamo-move sa 3rd week ng August. Saya nila ‘no?

Dahil dito may mga hindi pa ako nagagawa para sa project namin (training needs assessmentsocioeconomic profiling, resource mapping, M&E plan, revision of M&E forms and tools). ‘Yung mabigat ay assessment at profiling/mapping. Kailangan ko kasi talagang pumunta sa mga partner namin na health centers, barangay, at City Health Department. Kung hindi lang ganoon ka-teknikal ang pagkakasulat at lenggwahe noong modules malamang ay mas maaga sana ako natapos.

Noong Lunes naman may klase na kami sa UP Diliman (after office hours, 5:30 PM-8:30 PM). Martes tinangka ko pang humabol sa klase pagkatapos ng team meeting namin (na pangalawa kong meeting sa araw na yan, tapos hinila pa ako para sumama sa pag-interview ng isang consultant). Mahirap sumakay kasi malakas ang ulan. Nakarating rin ako pero mangiyak-ngiyak ako pagkakita ko ng bakanteng classroom. Late nag-reply ‘yung dalawang kaklase/kaibigan ko na nag-early dismissal pala sila.

Interesting ‘yung Monday subjectRebuilding displaced communities – ito yung mga komunidad na napaalis o napalikas dahil sa disaster; development aggression; o conflict at violence. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili nito. Sigurado akong magagamit ko ito. Madalas hindi makita ng mga tao na isang mahalagang component ang health sa buhay nating lahat. Napapansin lang kasi natin kapag nagkakasakit o namamatay.

Naabutan ako ng malakas na ulan sa college noong Martes. Basang-basa sa ulan ang drama ni ateng. Kanina, buong araw kaming nag-orientation at crash course sa dalawa naming community mobilizers. Ngayon, haggardo na ang lola mo. Pero di pa rin tumitigil ang mundo ko. Para sa bayan, para sa pamilya, para sa sarili – ginagawa ko ito lahat. Hindi sumusuko kahit pagod na. Kahit gustung-gusto ko na sumuko. Kahit mangiyak-ngiyak na ako sa hinagpis sa mga nangyari sa amin ni Red. Hindi pwedeng sumuko.

Kamang kung kamang ‘day. Padayon lang.

Advertisements

4 thoughts on “Toxic

  1. Ay grabe ate girl, hindi ka masyado busy. Marami ka pang time talaga. HAHAHA. Nakakaloka yang projects, deadlines, etc mo! Pero kaya mo yan. Hinga hinga ka din.

    Yosi ka nalang. Hahahaha charaught

    1. Nasisingit ko pa itong pagboblog ‘no hahaha. May time kung maglalaan ka ng oras. Pero busy talaga. Pag araw, laban kung laban. Minsan di ko na napapansin yung oras sa dami ng ginagawa. Tapos totopakin ako pag-uwian na or sa gabi. Maiiyak kasi pagod na ako, walang nag-aalaga o nag-aalala sa akin (di na ako umaasa sa pamilya ko for emotional chenes).

      1. Ano ka ba, yan naman ang purpose mo sa mundo. Ang mag-blog! Haha kaya okay lang yan. Maganda nga yung lagi may ginagawa kaysa naman wala talaga, mas nakaka-bore.

      2. True. Hindi ko rin kaya na walang ginagawa. Mas malala ang utak ko sa mga ganyang panahon haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s