Rarest Pokemon

Pumunta ako kaninang umaga sa UP Diliman para kunin ang mga binili kong secondhand na libro galing online.

Naglipana ang mga bagets at mga may trabaho na may dalang mga smartphones, naghahanap ng Pokemon sa buong campus (dahil binuksan na nila sa Pilipinas kahapon ang Pokemon Go). May mga kumpol sa Vargas Museum at sunken garden. 

Naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep papuntang Pantranco. Napalingon ako sa tabi, sa isang grupo nang matigilan ako.

Ano ang tsansa sa 2,936,116 na kabuuang populasyon ng Quezon City na makita ko siya, ang pinakamailap na Pokemon sa buhay ko?

TANGINA. TANGINA. TANGINA

SIYA. Nakita ko siya kasama ang mga kaibigan niya na hikers rin sa sakayan, nakagayak pang-jogging.  Nakaupo, nakikipagkwentuhan.

LORD. JUSKO. JUSKO.

Gusto ko siyang puntahan pero hindi na ako nakaabante sa posisyon ko. Hindi ko siya matitigan ng matagal (nararamdaman kasi yan ng tao). Nagkunwari na lang ako na naghihintay ng jeep. Tapos tumawid ang grupo nila sa kabila, sa may maliit na stage ng sunken garden. Umupo, tumambay saglit.

Ang gaga naman, sinundan. Hindi naman ako masyadong stalker. Nagtago ako sa malaking puno ng acacia para masilip siya.

Siya nga. Walang duda. Naka-itim na dri-fit shirt, shorts, at backpack. Sa takot kong mahuli at mapagkamalang desperadang stalker, lumipat ako sa mga bench malayo sa stage at umupo. Nagkunwaring nagbabasa. Kumakabog pa rin ang dibdib at nanginginig, pinapakalma ang sarili.

TANGINA.

Di ko na nagawang tignan ang gtupo nila ng matagal. Hindi ko na sila nakitang umalis. Pero isa lang ang masasabi ko. Nandito pa rin siya sa puso ko. Hindi ko mapalayas ang lintik na Pokemon na iyan. Kasing lamig man siya ng Articuno, ngunit hindi maikakaila na malala ang epekto niya sa akin.

Nagtawag ako ng reinforcement. Kailangan ko ng taong tutulong sa akin mag-stress debriefing. Kumakabog pa rin ang dibdib, nanginginig, nasusuka, naiiyak.

Hindi ko alam kung nakita niya ako, o nakilala ako sa silhouette ko.

JUSKO. Bakit kailangan niyo kaming pagtagpuin sa iisang lugar?

Masakit man, pero tulungan niyo po akong ipagpatuloy ang buhay ko na wala siya.

 

Advertisements

2 thoughts on “Rarest Pokemon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s