The Ill-Gotten Health of the Philippines — SubSelfie.com

Shameless plugging lang po.

Ito na ang piyesa na isinulat ko para sa Subselfie.com tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng Pilipinas at mga manggagawang pangkalusugan, partikular sa mga nars na katulad ko. Naibahagi ko rin ang iba sa mga personal kong karanasan mula sa pagiging estudyante hanggang sa ngayon.

Muli, maraming salamat kay Toni Tiemsin para sa pagkakataong ito. Besh, sana may next time pa ulit 😉

Para sa inyong kaalaman, isa akong frustrated journalist. Nagsimula akong magsulat noong nasa elementary pa ako hanggang high school – bale campus journalist.  Super stressful nung college kaya hindi na ako nakapag-sulat ulit (Kain, tulog, duty, aral ang buhay ko. Nitong nakaraang taon lang ako nakipaglandian, minalas pa 😥 </3 ).

Sa totoo lang, nakalimutan ko na yung mga technical chorla sa journalism sa sobrang tagal ko nang lumayo sa landas ng pagsusulat. Kadalasan sa mga sinusulat ko noon ay news at feature. Ngayon, reports na lang o hindi kaya reflection papers haha.

Pagkatapos ng mga emotional hanash ko nitong mga nakaraang araw, nabuhay ang loob ko dahil dito (Kinilig din ako dahil shinare nina Bam Alegre at Tricia Zafra ang sinulat ko ❤ ). Bale, 10 taon na rin nang huli kong makita ang pangalan ko sa isang publication na pang-masa. Mga April May ata ako sinabihan na magsulat para sa Subselfie. Sabi ko kay Toni patapusin ko muna ang phase ng project namin. Sinulat ko ito ilang araw pagkatapos vineto ni PNoy ang Comprehensive Nursing Bill.

Kanina ay naka-attend ako ng isang national convention tungkol sa nutrisyon. Guest of honor si VP Leni Robredo at Keynote speaker si DOH Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial. Base sa mga nilatag nila, mukhang may patutunguhan na nga ang matagal na naming hinihiling na pagbabago sa sistema ng kalusugan at paglutas sa problema ng malnutrisyon sa ating bansa.

Sana po ay suportahan niyo kami sa aming laban – hindi lang ito para sa aming mga nars, kundi para na rin po sa lahat ng Pilipino. Pakitulungan kaming i-share ang article na ito sa inyong mga social media accounts para makaabot sa mas nakararami. 🙂

Maraming salamat!

P.S. Makikita niyo na rin ang tunay kong pangalan at mukha hahaha

President Noynoy Aquino left office and slapped nurses on his way out. He vetoed the Comprehensive Nursing Bill which would have provided for the raise in salary for entry level nurses working in both public and private sector, the appropriation of nurse to patient ratio, protection of nurses against illegal labor practices, unfair compensation and false […]

via The Ill-Gotten Health of the Philippines — SubSelfie.com

Advertisements

4 thoughts on “The Ill-Gotten Health of the Philippines — SubSelfie.com

      1. Taga-GMA po sir yung karamihan sa mga editorial staff nung Subselfie.com

        Yung iba po sa kanila makikita niyo sa TV. Nagpapasalamat po talaga ko sa opportunity na binigay nila 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s