Tinext ako ni Mama kanina. May possibility daw bang ma-assign ako sa amin sa probinsya.

Di ko napigilang umiyak. Pangalawa na ito ngayong taon. Una si Ate, pinapauwi na ako. Ngayon naman si Mama. Parang wala akong sariling buhay dito sa Maynila. Nagtatrabaho ako at nag-aaral ngayon – matatapos ko pa ang master’s ko in 2 years.  Naiinis talaga ako sa kanila. Hindi talaga nila mailagay ang sarili nila sa lugar ko. At naiinis ako kay Ate kasi pwede naman niyang isama si Mama sa kanila. Yun lang, mag-aaway rin sila. Mag-aaway pa rin kaming lahat, bali-baliktarin mo man ang mundo.

Naiinis ako. Matagal ko nang nararamdaman na hindi ko sila pamilya. Mas nararamdaman ko pang pinapahalagahan ako ng mga kasama ko sa trabaho, sa school, mga kaibigan, at pamilya nila. Ang halaga ko lang naman sa pamilya eh bukod sa “accomplishments” sa school ay tagaluto, tagalinis, tagalaba, at tagabantay. Magkamali ka lang sa mga bagay na iyon, ipaparamdam na sa iyo na wala kang kwentang tao. Pinag-aral sa magandang eskwelahan, pero “tamad”. Mahiyain talaga ako pero tingin sa akin ay “mababa ang EQ”.

Buti na lang daw hindi ako nag-drugs. Puta, ni amoy nga ng sigarilyo hindi ko matagalan.

Hindi pwede ang introvert sa pamilya. “Mapapahiya” kasi si Mama. Si Mama na mas pinapahalagahan at pinapakinggan pa ang opinyon ng ibang tao kaysa mismong mga anak niya. Si Mama na madalang makita ang tunay na pagkatao ng mga anak niya, mga positibong pag-uugali at kontribusyon sa bahay. Si Mama na mas mabilis makita ang pagkakamali.

Walang tiwala ang sarili kong pamilya sa akin. Pag hindi mo naabot ang expectations nila, ang baba ng tingin sa iyo. Lumaki at tumanda ako sa isang emotionally toxic family environment. Ang tangi kong hiling sa Diyos ay magkaroon ng sariling pamilya na hindi magiging ganito ang kalagayan. Gagawin ko ang lahat hindi lang kami magkawatak-watak ng ganito, magkasakitan.

Buhay ko sa trabaho at eskwela, okay naman. Pero leche na pamilya ko, leche pa lablayp ko.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s