Napasa ko na sa Inquirer noong Lunes ng gabi. Sana makalusot.

Nasa Davao kami sa susunod na Linggo. Huling training. Tatapusin ko lang ang training report tapos aalis na ako sa pinagtatatrabahuhan ko ngayon. Mahirap na project-based ka lang, mababa lang ang sweldo sa amin. Kailangan ko ng trabaho na may security. Kailangan kong makapag-ipon. Tatlong buwan na lang, 26 na ako. Hindi pwedeng ganito na lang lagi ang trabaho ko. Humanitarian nga, pero di naman humanitarian yung trato sa inyong mga empleyado. Kaya maraming umaalis.

Kanina, lumapit yung projects director namin. Tinanong kung anong plano ko pagkatapos ng training. Nag-offer sya ng bagong trabaho, monitoring and evaluation ng mga community-based health programs sa Batangas, Samar, Palawan at sa probinsya namin, sa South Cotabato. Gusto ko yung trabaho, sakto sa aking background at experience. Pero balak ko lang talaga ay transition work lang doon, jump-off point. Para kasi sa akin, importante na pinapahalagahan ang mga empleyado. Hindi kasi nila pinapahalagahan. Tradisyunal, top-down. Biruan nga namin, monarkiya, dahil yung mga boss namin ay mag-asawa. Minsan, wala nang boundary sa personal/family at trabaho, yung funds at empleyado nagagamit pareho. Napag-iinitan pa kaming mga technical staff ng admin. Wala namang masyadong masabi sa akin yung admin kasi tahimik ako — medyo nakakaiwas kasi sa gulo pag ganyan, at naoobserbahan at napapakinggan mo ang mga tao. Pero madalas  nagbabangayan ang director at admin, kaya hindi sya nakaka-boost ng morale ng mga empleyado. Marami sa amin ang gustong umalis kasi ganyan ang sitwasyon.

Sa kabilang banda, ngayong araw ko lang naalala, isang taon na pala kahapon simula nung umalis ako sa amin. Nakausap ko yung asawa ng pinsan ko kanina. Eto ang sabi nya:

image

Kung ikukumpara mo sa nakaraang taon, mas masaya ako ngayon. Malayong-malayo sa dati. Maraming dahilan para magpasalamat sa Diyos at sa mga taong tinanggap ako sa buhay nila bilang katrabaho, kaklase, kaibigan, estudyante, at iba pa, at mapahalagahan bilang isang tao na may kakayahan. Marami akong nagawa at naabot dahil sa kanila, at mga bagong bagay at karanasan na nasubukan. Sa mga sumusubaybay sa aking blog, maraming salamat sa inyong lahat. Itong blog ay naging diary ko ng tatlong taon.

Sa ngayon, kakaunti na lang ang mahihiling ko. Sana kahit papaano, matupad pa rin iyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s