Huwag mangangako ng hindi kayang tuparin. Magbigay ng maagang abiso kung hindi kayang gawin. Hindi lang nakakasira ng momentum, nakakasira rin ng tiwala. At naging tanga na naman ako sa pag-asa na magagawa ito.

Kung hindi kikilos habang mainit pa ang usapin, matatabunan ito at makakalimutan ng sambayanan, gaya ng maraming isyu at problemang nakalimutan sa nakalipas na mga dekada. Sadyang napakabilis nating makalimot. At habang tumatagal at dumarami ang aking kaalaman, sa aking mga pagninilay ay nakukumbinsi at nalulungkot akong ipahayag na nagmistulang puta ang Pilipinas, ang inang bayan, dahil sa mga makasarili at gahaman sa yaman at kapangyarihan. Nagmistulang puta ang Pilipinas, handang yumakap at bumukaka sa mga dayuhan at mangangalakal para sa kalansing ng barya.

Kung kasing lakas at kasing lawak ng mga sumusuporta at panatiko sa Aldub ang pagmamahal sa bayan, hindi siguro tayo umabot sa ganitong kalagayan ngayon. Tunay nga bang malaya ang Pilipinas? Tunay nga ba nating nakamit ang kasarinlan? Tunay nga bang may pag-unlad?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s