“Kamusta?”

Kamusta na lang ba ang kaya mong sambitin?

Sa ala-una kwarenta’y sais ng madaling araw, ako ay nabitin

Pangalan ko’y di man lang kayang banggitin
Iisang kataga na nga lang ganun ba kahirap gamitin?

 

Pagal na sa mga lihim, katahimikan, at pagkikimkim
Ako ba talaga’y inisip mong seryosohin?

 

Ang pagkakaibigan na iyong inaalok,

Mga salita lang pala’t mahirap maarok

 

Kung ako’y yayain ay napakasigasig
Nang magtagpo na nga’y magulo ang pahiwatig

 

Hindi pala ako ang nais makasama
Kundi ang babae na sinasamba sa mga tula tuwina

 

Masisisi mo ba kung ako’y lumayo
Kung ang mga salita’t kilos mo’y magulo’t malabo?

 

Sakit na nararamdama’y panibugho
Mga malamlam na mata’y sa iyo’y itinago

 

Hanggang sa ako’y napagod na maghintay
Nanghinayang sa panahon, pera, at laway na nilustay

 

Mahal kita, oo mahal kita
Ngunit puso’t katawan ko’y nanghina na

Makausap ka’t makita’y napakabigat na
Dinalaw ng karamdamang akala’y nawala na

 

Mahal–mahal kita, ngunit hindi ko na kakayanin
Ikaw at ang problema sa pamilya ko’y pasanin

 

Mahal, patawarin mo ako kung sarili’y pinili
Mawala ka man, sa paglubog ng araw ako lang ang mananatili

 

Kaya ang “kamusta?” mo’y hindi ko matatanggap
Gaya ng hindi mo pagtanggap sa pag-ibig kong hindi mapagpanggap.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s