Hindi ko inakala na ang pagkabalisa ko sa sitwasyon nating dalawa ay nahalata na ng mga tao sa paligid ko. Nahihirapan ulit akong makatulog. Pagod sa umaga kahit nakatulog ng higit sa anim na oras. Nasusuka. Walang gana. Nanginginig ang mga kamay.

Simula nung pinutol ko ang ugnayan natin, bumaba ang resistensya ko.  Nagkatrangkaso ako habang namamahala ng pagsasanay sa mga piling manggagamot, nars, at komadrona sa Laguna.

Bumakas nga sa mukha ko ang epekto ng pagkawala mo sa buhay ko. Kanina lang ay napansin ng aming project manager na muling umaliwalas ang mukha ko. Sabi ko ito’y dahil sa sariwang hangin, mga puno’t halaman, at matayog na kabundukan ng Palawan. May pagsasanay kami dito hanggang sa susunod na linggo. Tunay na nakakapawi ng pagod ang masilayan ang kagandahan ng kalikasan. Lalo na kung ganito ang eksenang madaratnan mo sa umaga: image Mukhang binibiro na naman ulit ako ng tadhana. Nung nakaraang linggo ay nasa kolehiyo nyo ako, hurado sa dagliang talumpati at extemporaneous speech. At ngayon, katapat ng aming tinitirhan ay kampo ng mga Marines. Naisip ulit kita. Naiisip mo pa rin kaya ako? Malamang hindi na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s