Dahil papalapit na rin ang pagbubukas ng semestre at lalo na’t isa sa mga kursong kukunin ko ay pag-oorganisa sa komunidad (Community Organizing), sa tingin ko’y ito na ang pinakamainam na panahon para muling mahasa sa wikang Filipino. Ngayong taon lang ako ulit nakapagsulat ng ganito; madalas ay sa wikang Ingles dahil sa trabaho. Bukod pa rito, nanggaling ako sa isang probinsya na samu’t-sari ang wikang ginagamit (Ilonggo, Bisaya, Ilokano, Bikolano, at Muslim) kaya’t lumaki ako na pang-araw araw na Filipino lang ang ginagamit. Nang lumipat ako sa Maynila para mag-aral sa kolehiyo ay saka lang ako nakapagsalita at nakapagsulat sa Filipino ng matagal, ngunit limitado pa rin. ¬†Sana’y di pa huli ang lahat para sa panibagong pagpapahalaga sa wika natin–sinisikap kong magbasa ng mga obra sa Filipino, simula kay Virgilio S. Almario (na napakagaling). Sana’y matuluy-tuloy ko na ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s