Plot Twist

Nitong mga nakaraang araw, ang daming nangyari at may mga malaking risks din akong ginawa.

Nung Saturday last week, namatay ang pinsan kong naka-base sa Quezon Province. Nabangga ang kotse sa bridge. Buhay pa siguro sya ngayon kung di sya nagtetake ng aspirin. Kelangan kasi dahil nag-coronary angioplasty sya around 3 months ago. Anticoagulant din kasi ang aspirin at 7 days pa bago ito mawalan ng bisa sa katawan.

Pagka-Sunday, dahil sa medyo insensitive remark ng nanay ko sa kanya at kanyang pagkamatay ay pumutok na ang bulkan. Nakatikim na naman ako pero di ko pinatulan ang mga sigaw ni Mama. Instead, nag-type ako ng 4 pages long letter na nagdedetalye ng aking mga sama ng loob at hinanakit sa nakalipas ng 2 dekada. Sawa na akong makinig sa kanila, sa pagkokontrol ng buhay ko, sa pangongonsensya na dapat may return of investment na sa kanila sa edad kong ito. Minsan talaga, wala ka nang ibang choice kundi maging matapang at mag-take ng risks.

Nung June pa lang ay nakapag-draft na ako ng resignation letter sa munisipyo. Nung Wednesday ko pinass at sakto pa talaga na di na masyadong busy si Mayor sa office nya. Halos 1 oras din kami nag-usap. Nakumpirma nga ang mga naririnig kong ayaw nya akong bitawan dahil sa mga nagawa ko para sa munisipyo sa maiksing panahon na nagtrabaho ako dito. Open naman ako for negotiation. Kinapalan ko na mukha ko at nag-ask ng salary increase, opportunity to attend conferences, seminars, at trainings, tsaka makapagwork for health. Ok naman si Mayor kahit daw umalis ako. Pero nung kinonsyensya nya na ako sa nanay ko, nawalan na ako ng gana. Except sa mga pinsan ko, lahat sila gustong pumirmi ako sa aming bayan para maging kasama a.k.a. bantay ng nanay ko. Kung 30-35 sana ako eh di ok lang. Pero it’s 10 years too early. Sayang ang energy at willingness to learn ko. Sayang ang potential. Magiging losyang ako. Di ko kaya. Jusko gusto ko pang makapag-asawa. OTL

Kanina, libing ng pinsan ko. Bukas, balik probinsya ulit. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa iilang araw na nakaalis ako sa bahay. Kelangan ko talaga yun. Sigurado na ako sa desisyon kong umalis sa trabaho. Mahal ko ang sarili ko. I am the master of my destiny. At kahit ano pang sabihin ng immediate family ko, pagod na akong makinig sa kanila. Gagawin ko lahat ng makakaya ko at sana, sana Lord, tulungan nyo po akong maging mas matapang at kayanin ang lahat ng ito.

Nitong mga nakaraang araw din, nag-uusap ulit kami. May field work pala sila sa region. Ang babaw lang ng kaligayahan ko. Nakakangiti na ako ulit; minsan ngumingiting mag-isa na parang tanga. Hay ewan ko. Ba’t ba nakakatanga ang pag-ibig? Iniisip ko, sige na lang, landiin mo na habang may panahon pa. Mahirap yung magsisisi na naman ako sa huli. At least I tried. Kahit di naman talaga mahilig lumandi hahaha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s